BICOL EXPRESS USING KNOR GINATAANG GULAY MIX

Bicol Express ay isa sa mga paboritong ulam nang aming pamilya. Ang kakang gata na may kunting siling labuyo at silis Espada ang nag bigay ng Balanseng tamis at anghang na meron ang pagkain na ito.

Bicol Express

kakang gata, siling labuyo sili espada, at tiyan ng baboy ang orihinal na ingredients sa ulam na ito. Kaso matagal at nakakapagod ang gumawa ng kakang gata, Kaya naisipan kong palitan ang kakang gata sa Knor ginataang gulay mix. Same procedure parin sa pagluluto at balanseng balanse din ang tamis at anghang na binibigay nang knor ginataan gulay sa Bicol express mo.


Procedures on how to cook bicol express


Ingredients:

  • Bawang
  • Sibuyas
  • Siling labuyo
  • Sili Espada
  • Black pepper at asin
  • Pork belly ( Cut in cubes)
  • Knor ginataan gulay mix
Procedure:
  1. Hiwayin sa maliliit ang bawang, Sibuyas, Siling labuyo at siling espada.
  2. Painitin ang kawali at lagyan ng mantika
  3. At pag mainit na ilagay ang bawang hintaying hanggang sa magiging kulay brown at pagkatapos ilagay ang sibuyas at ang Pork belly.
  4. luto in at hintayin hanggang sa maging kulay brown ang pork belly
  5. Habang nag hihintay haluin muna ang Knor ginataan sa isang basong tubig at
  6. pag nag brown na pork belly lagyan ito nang isang basong tubig at e lagay na din ang nahulo mo nang knor ginataan at e sabay mo na din ang siling labuyo at sili espada at hintayin ito hanggang sa komulo
  7. At pagkatapos lagyan na nang Blackpepper, at kunting asin at hintayin hanggang sa lumapot ito
  8. At pag lumapot na ilagay na sa bowl o kahit anong lalagyan at e serve.